^

Bansa

Kakaibang sarap at sustansyang pagkaing Pinoy

-

MANILA, Philippines - Matapos ang mata­gum­pay na paglunsad ng produktong Pangasius (Cream Dory), ang Vita­rich ay pumasok na sa com­­mercial food pro­duction, partikular sa mga fish-based meat-flavored pro­ducts. Upang maakit ang mapanuring panlasa ng Pinoy, swak na pinag­sama ng Vitarich ang Dory fish meat at mga patok na pag­kaing Pinoy tulad ng tocino, longganisa (may 2 flavors: bawang (garlic) at sweet and spicy), lum­piang shanghai, franks (may 2 flavors: original at may keso/cheese) at nuggets. 

“Kami sa Vitarich ay excited sa pag-explore ng malaking potensyal ng karneng Dory dahil madali itong paramihin at isa itong masustansyang alterna­tibo kontra sa red at white meat na nakukuha sa mga baka (cattle) at iba pang alagang hayop (livestock),” mungkahi ni Vitarich Chair­man Rogelio Sarmiento. 

Ang mga bagong “meaty” fish products mula sa Vitarich ay nagbibigay ng masarap at masustan­syang pantapat sa mga karaniwang karneng ulam. Nilalayon nitong busugin ang pagtakam ng mga mamimili sa mga produk­tong karne, ngunit may pagmamalaking naipaki­lala ang isang bagong lifestyle sa pag-enjoy ng di mabilang na mga bene­pisyong pangkalusugan mula sa pagkain ng isda.

Kilala ang isdang Cream Dory sa buong mundo dahil sa malasa nitong white at creamy meat at dahil maaari itong gamitin sa ibat-ibang putahe ng isda.

Ang mga bagong pro­dukto ay mabibili na, ma­aari kayong mag-email sa [email protected] o tumawag sa mga nume­rong (02) 8433033 loc 124.

vuukle comment

CREAM DORY

KILALA

MATAPOS

NILALAYON

PINOY

ROGELIO SARMIENTO

SHY

VITARICH

VITARICH CHAIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with