Barangay numbers papalitan ng pangalan ng bayani, scientist
MANILA, Philippines - Iminungkahi kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim na palitan na lamang ng pangalan ng mga bayani, Santo, national artist o scientist ang nakakalitong barangay numbers dahil mas madali umano itong makilala.
Naisipan lamang ng al kalde ang suhestiyon nang malito sa pagtawag sa bawat barangay na kinakatawan ng numero, sa idinaos na People’s Day, kamakalawa sa Manila City Hall.
Aniya, bukod sa barangay number, nakalilito din na may district numbers at zone numbers ang bawat barangay kung ibabase rin sa numero ang kanilang pagkilanlan.
“Mas maganda siguro kung papangalanan na lang natin ang ating mga barangay kesa puro numero ang binabanggit natin,” ani Lim.
Kung sa pangalan ng barangay at hindi numero, mas madali umanong makilala ang mga opisyal at maging constituent dahil ia-associate sila sa ‘katawagan’ o pangalan ng barangay maging sa oras na may trabaho o magandang bagay silang nagawa. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending