'Pinas nangunguna sa paggawa ng shabu - UN

MANILA, Philippines - Nangunguna ang Pi­lipinas sa paggawa ng shabu sa buong mundo base sa lumabas na ulat ng United Nations.

Sa United Nations Office on Drug and Crime (UNODC) 2009 World Drug Report, pang-lima naman ang Pilipinas sa mga ban­ sang may pina­kamaraming shabu raid mula 1998 hanggang 2007.

Tinukoy sa UN report ang mga inter-regional trafficking routes o tina­guriang drug ring na prominente sa Asya kung saan nangunguna dito ang Pilipinas na nagda­dala ng iligal na droga sa Australia, Canada, New Zealand, at United States.

Nagdadala rin umano ang Pilipinas sa Myanmar papuntang Bangladesh at India; galing Hong Kong, China papuntang Australia, Indonesia, Japan, at New Zealand; at mula east and southeast Asian countries papuntang Iran, Saudi Arabia, at sa United Arab Emirates.

No comment naman ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lumabas na ulat ng UN.

Sinabi ni PDEA spokesman Derrick Carreon, ma­hirap magkomento sa isang kritikal na bagay hangga’t hindi pa nila nababasa ang kabuuan ng 314-page report.

Magugunitang inamin ng PDEA sa kanilang 2008 National Drug Situation Report na ang sha­bu trafficking ang pinaka­malaking problema sa kanilang anti-illegal drug trade operation sa bansa. (Angie dela Cruz)

Show comments