^

Bansa

A(H1N1) pumalo na sa 861

-

MANILA, Philippines - Lumobo na sa 861 ang kaso ng A(H1N1) sa bansa makaraang ma­dag­dagan ng 134 kum­pirmadong ba­ gong kaso sa loob lamang ng 24 oras.

Bunsod nito, pang-10 na ang Pilipinas sa mga bansang may AH1N1 ha­bang ikalawa sa may pina­kamataas na kaso ng na­sabing flu virus sa South East Asia, kasunod ng Thailand.

Gayunman, muling igi­niit ni Health Secretary Francisco  Duque III na hindi pa rin dapat maba­hala ang publiko dahil kahit ang mga bagong kaso ay pa­wang mild cases lamang na natutu­gunan naman ng ibinibigay na treatment.

Sa bagong 134 kaso, 60 ang lalaki at 74 ang ba­bae, na edad ng 2 hang­gang 58. Ang 26 dito ay dayuhan habang 118 ang Pinoy at 20 sa kanila ang may history of travel sa mga bansang apek­tado ng novel virus.

Binigyang-diin din ni Duque na kahit patuloy sa paglobo ang A(H1N1), ba­wat araw din ay marami ang na­kakarekober sa sakit o kabuuang 634 pasyente ang gumaling simula nang unang ma­ireport ang virus sa Pi­lipinas noong Mayo 21. (Ludy Bermudo)

BINIGYANG

BUNSOD

DUQUE

GAYUNMAN

HEALTH SECRETARY FRANCISCO

LUDY BERMUDO

LUMOBO

PILIPINAS

SHY

SOUTH EAST ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with