^

Bansa

Caloocan, Top Taxpayer Awardee

-

MANILA, Philippines – Iginawad ng Bureau of Internal Revenue sa Ca­loocan City ang Top Taxpayer Awardee sa government category dahil sa pagiging “on–time” at ma­la­king halaga ng pagba­bayad ng buwis.

Ikinagalak ni Caloocan City Mayor Recom Echi­verri ang nasabing para­ngal kung saan mula ng maging alkalde ito ay umaabot sa P8M ang buwis na isinusumite nito kada buwan at nabawasan na rin ang utang ng pa­mahalaang lungsod ng makabayad ito ng P74M mula sa P168M na utang na minana pa nito mula sa dalawang nagdaang administrasyon.

Patuloy naman nagbi­gay ng kanilang suporta ang local na pamahalaan sa mission at vision ng BIR sa pamamagitan ng pag­su­sulong nito ng tax collection para sa nation building.

Patuloy din na nag­hahanap ng paraan ang tanggapan ni Echiverri upang lalong mapagbuti ang tax collection kada taon sa kabila ng narara­nasang global recession na nakaapekto sa mga sektor na nagbabayad ng malalaking buwis.


BUREAU OF INTERNAL REVENUE

BUWIS

CALOOCAN CITY MAYOR RECOM ECHI

ECHIVERRI

IGINAWAD

IKINAGALAK

MULA

PATULOY

SHY

TOP TAXPAYER AWARDEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with