MANILA, Philippines – Pinalagan ni Department of Education Secretary Jesli Lapus ang kasong graft na isinampa sa Ombudsman ng Kolonwel Trading laban sa kanya at sa ibang opisyal ng DepEd kaugnay ng naudlot na P427 milyong kontrata sa noodles.
Sinabi ni Lapus na demolition job lang ito ng Kolonwel na natalong bidder sa naturang proyekto.
Sinabi pa ng kalihim na imbalido ang kaso dahil sa hindi naman natuloy ang kontrata ng DepEd sa nanalong bidder na Jeverps Manufacturing Corporation matapos na kanselahin nila ito dahil sa kontrobersyang ginawa ng Kolonwel na sumigaw ng “overpricing” sa noodles na pinapakain sa mga mag-aaral sa ilalim ng “School Feeding program” ng DepEd.
Sinabi pa niya na labas na ang DepEd dahil ang kaso ay sa awayan ng Jeverps at Kolonwel. (Danilo Garcia)