^

Bansa

Lapus pumalag sa graft

-

MANILA, Philippines – Pinalagan ni Department of Education Secretary Jesli Lapus ang ka­song graft na isinampa sa Ombudsman ng Kolonwel Trading laban sa kanya at sa ibang opisyal ng DepEd kaugnay ng na­udlot na P427 milyong kontrata sa noodles.

Sinabi ni Lapus na demolition job lang ito ng Kolonwel na natalong bidder sa naturang proyekto.

Sinabi pa ng kalihim na imbalido ang kaso dahil sa hindi naman natuloy ang kontrata ng DepEd sa nanalong bidder na Jeverps Manufacturing Corporation mata­pos na kanselahin nila ito dahil sa kontrobersyang ginawa ng Kolonwel na sumigaw ng “overpricing” sa noodles na pinapakain sa mga mag-aaral sa ilalim ng “School Feeding program” ng DepEd.

Sinabi pa niya na labas na ang DepEd dahil ang kaso ay sa awayan ng Jeverps at Kolonwel. (Danilo Garcia)


DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION SECRETARY JESLI LAPUS

JEVERPS

JEVERPS MANUFACTURING CORPORATION

KOLONWEL

KOLONWEL TRADING

LAPUS

PINALAGAN

SCHOOL FEEDING

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with