Pagsawsaw sa holy water sa simbahan bawal na rin

MANILA, Philippines – Pansamantalang itinigil ang paglalagay ng Holy Water o Agua Bendita sa mga Holy Water Stoup o benditahan sa mga simba­hang sakop ng Archdiocese ng Iloilo, bilang bahagi nang pag-iingat na ipinatutupad ng Simbahang Katoliko laban sa pagkalat ng influenza AH1N1 virus.

Ayon kay Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagda­meo, na siya ring pangulo ng maimpluwensiyang Ca­ tholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang pagsawsaw sa Holy Water, bago mag-sign of the cross, ay tra­dis­yunal na ginagawa ng mga Katoliko bago pumasok at bago lumabas ng mga sim­bahan.

Sa halip na sumawsaw pa sa Holy Water, pinapa­ yuhan na lamang ang mga church-goers na mag-sign of the cross sa pagpasok at paglabas ng mga ito ng simbahan. (Mer Layson)


Show comments