Pagsawsaw sa holy water sa simbahan bawal na rin
MANILA, Philippines – Pansamantalang itinigil ang paglalagay ng Holy Water o Agua Bendita sa mga Holy Water Stoup o benditahan sa mga simbahang sakop ng Archdiocese ng Iloilo, bilang bahagi nang pag-iingat na ipinatutupad ng Simbahang Katoliko laban sa pagkalat ng influenza AH1N1 virus.
Ayon kay Jaro, Iloilo Archbishop Angel Lagdameo, na siya ring pangulo ng maimpluwensiyang Ca tholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang pagsawsaw sa Holy Water, bago mag-sign of the cross, ay tradisyunal na ginagawa ng mga Katoliko bago pumasok at bago lumabas ng mga simbahan.
Sa halip na sumawsaw pa sa Holy Water, pinapa yuhan na lamang ang mga church-goers na mag-sign of the cross sa pagpasok at paglabas ng mga ito ng simbahan. (Mer Layson)
- Latest
- Trending