^

Bansa

Batasan off-limits

- Ricky Tulipat, Butch Quejada -

MANILA, Philippines – Ipinasara kahapon ni House Speaker Prospero Nograles ang buong Bata­san building sa Quezon City makaraang makum­pirmang empleyada nito ang 49 anyos na babaeng nahawahan ng influenza AH1N1 virus at namatay sa sakit sa puso kama­kailan.

Pinabakunahan na rin muna kahapon bago pina­uwi ang mahigit 3,000 empleyado ng Kongreso makaraang suspindihin ni Nograles ang kanilang trabaho.

Ginawa ni Nograles ang hakbang para maisa­gawa ang kaukulang pag­lilinis sa buong gusali ng Batasan.

Sinabi rin ni House Deputy Secretary General Ricardo Roque sa isang panayam na gagawa sila ng mga kinakailangang hakbang na pangkalig­tasan bago pa sumapit ang araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Gloria Arroyo sa Hulyo 27.

Sinabi rin ni Roque na, bukod sa namatay na babae, merong isa pang empleyado sa House na nagkasakit ng AH1N1 pero nagpapagaling na ito sa bahay.

Ang nasawi na nag­mula sa Kalinga-Apayao ay pumasok pa sa trabaho noong Hunyo 10-16 kahit hindi na maganda ang nararamdaman.

Ayon naman kay Arthur Pingoy, tagapangulo ng health committee ng House, ang babae na namatay noong Lunes dahil sa atake sa puso ay nakatalaga sa ikatlong palapag ng Ramon Mitra building sa Batasan complex. 

Ipinahiwatig sa ulat na meron pang ibang sakit ang pasyente pero nag­palubha sa kanyang ka­lagayan ang AH1N1 at tumanggi siyang magpa­tingin sa duktor.


ARTHUR PINGOY

BATASAN

HOUSE DEPUTY SECRETARY GENERAL RICARDO ROQUE

HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES

NOGRALES

PANGULONG GLORIA ARROYO

QUEZON CITY

RAMON MITRA

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with