MANILA, Philippines - Iniimbestigahan ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang posibilidad na nasa hit list ng New People’s Army ang limang kilalang personalidad ng gobyerno na nakikibaka at pangunahing nagsusulong ng mga programa laban sa communist insurgency sa bansa.
Kabilang sa pinaniniwalaang planong likidahin ng NPA sina Presidential Management Staff Hermogenes Esperon Jr., Jovito Palparan na isa nang Bantay partylist representative, National Intelligence and Coordinating Agency Chief Norberto Gonzales, Bureau of Corrections Chief Oscar Calderon at dating Bucloc, Abra Mayor Mailed Molina.
Nabatid na sa pitong sako ng mga subersibong doku mento na nasamsam ng tropa ng mga sundalo sa combat operations sa Brgy. Tubtuba, Tubo, Abra kamakailan ay kabilang dito ang mga frames ng larawan ng anim na ang ilan ay dating opisyal ng militar at pulisya. (Joy Cantos)