Transport Holiday itinakda

MANILA, Philippines - Itinakda ng militanteng grupong Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Ope­rators Nationwide ang isang malawakan at mala­ki­hang transport holiday sa susu­ nod na buwan upang kon­de­nahin ang patuloy na pag­taas ng presyo ng gasolina sa bansa.

Nanawagan sa publiko si PISTON Secretary General George San Mateo na ma­ kiisa sa kanilang hak­bangin na hadlangan ang sunod sunod na pagtaas ng presyo ng mga produk­tong petrolyo, igiit ang pagbasura sa oil deregulation law at Iboykot ang Shell, Caltex at Petron da­hil ang mga ito ang ugat ng patuloy na oil price hike.

Pinuna niya na gasgas na ang palagiang paliwa­nag ng Department of Energy na gumagawa ito ng paraan para maresolba ang tuma­ taas ang halaga ng mga produktong petrol­yo sa bansa. (Angie dela Cruz)

Show comments