^

Bansa

'GMA di dapat magbitiw' - Comelec

-

MANILA, Philippines - Posibleng mawalan ng mga opisyal ang bansa kung lahat ng mga nahalal na opisyal na magdede­sisyong tumakbo sa 2010 elections ay pagbibitiwin sa kanilang mga puwesto ngayon.

Ito ang naging reak­syon ni Commission on Election Chairman Jose Melo sa pana­wagan ng oposisyon na pag­bitiwin sa pwesto si Pangulong Glo­ria Maca­pagal-Arroyo sa sandaling magdesisyon itong mag­hain ng kandi­da­tura para sa ibang posi­syon sa darating na elek­syon.

Sinabi ni Melo na hindi na kailangang magbitiw sa pwesto si Pangulong Arroyo sakaling magdesis­yon itong tumakbo sa pagka-kongresista sa Pampanga dahil naam­yen­dahan na noon ang probis­yon ng Omnibus election code tungkol sa nasabing isyu.

Iginiit pa nito na kung oobligahing magbitiw sa pwesto ang Pangulo ay si Vice President Noli de Castro ang papalit kung ito naman umano ay ka­kan­di­datong presidente, kaila­ngan din itong mag­bitiw sa puwesto kaya wala nang ma­titirang opisyal ng gob­yerno.

Ipinaliwanag ni Melo na sa mga appointive officials lamang na magnanais na tumakbo sa eleksyon apli­ka­ble ang nasabing re­quire­mentts. (Gemma Amargo-Garcia)

ELECTION CHAIRMAN JOSE MELO

GEMMA AMARGO-GARCIA

IGINIIT

IPINALIWANAG

MELO

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLO

SHY

VICE PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with