MANILA, Philippines - Sa halip na isauli ay mas pabor si Justice Secretary Agnes Devanadera na ipagbili na lamang ang mga alahas ni dating Unang Ginang Imelda Marcos.
Sa kanyang pagkikipagpulong sa mga piskal at prosecutors sa Maynila, sinabi ni Devanadera na mas makakadagdag pa ito ng pondo para sa mga proyekto ng pamahalaan at maging sa mga kakulangan sa pondo ng mga empleyado.
Ayon kay Devanadera, maraming mga empleyado ng pamahalaan ang maaaring mabigyan ng sapat na sahod mula sa pagbebentahan ng mga alahas ni Imelda. (Doris Franche)