MANILA, Philippines - Handa na si dating pangulong Joseph “Erap” Estrada sa presidential race ng 2010 elections matapos bumili ng 2 bagong helicopter at 20 van na gagamitin sa pangangampanya.
Sinabi ni Senate President Juan Ponce Enile na 2 bagong King Air turboprop at 20 van ang binili ni Erap na gagamitin sa kanyang political campaign kaya siguradong tuloy ang pagtakbo nito sa 2010 elections bilang presidente.
“If that is not proof that he’s running, then I don’t know what evidence more to say he would run. He will run for president,” wika pa ni Enrile na miyembro ng Partido ng Masang Pilipino ni Erap.
Ayon kay Enrile, dapat mag-isip isip muna ang nais tumakbong presidente sa 2010 dahil siguradong mahihirapan sila kay Erap.
Aniya, nag-ikot na sila ni Erap kamakailan sa Mindanao at grabe ang pagtanggap ng tao sa dating pangulo.
Naniniwala din si Enrile na muling makakatakbo bilang presidente si Erap pero ipinauubaya na lamang niya sa Supreme Court ang pagdedesisyon dito. (Rudy Andal)