MANILA, Philippines - Babawasan ng Commission on Elections ng 30 porsiyento ang bilang ng mga polling precincts para sa nalalapit na 2010 presidential and local elections.
Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, 70 porsyento na lamang ang kanilang patatakbuhing mga presinto at paglalaanan ng mga makina.
Sabi ni Sarmiento, maaaring gawin ang 2010 elections sa pamamagitan lamang ng 80,000 presinto mula sa dating 250,000 noong taong 2007.
Nitong nakaraang linggo ay nai-award na ng Comelec ang P11.3-billion poll automation project sa Smartmatic at Total Information Management (TIM). Ang Smartmatic ay maglalaan ng 82,500 voting machines para sa mga lugar na itatalaga ng komisyon.
Sa ngayon ay may 42 milyon na lamang ang mga registered voters matapos alisin sa listahan ang 6 milyong hindi nakaboto sa nakalipas na dalawang halalan. (Doris Franche/Mer Layson)