MANILA, Philippines - Ipinangalandakan kahapon ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) rebels na pinabagsak nila ang isang spy plane ng militar sa kasagsagan ng bak bakan sa Guindulungan, Maguindanao kamakailan.
Sa pahayag na ipinalabas sa kanilang website na luwaran.com, kinumpirma ng MILF na nasa kanilang kustodiya ang nasabing spyplane na gawa sa isang maliit na helicopter na kinabitan ng mga sensor at maliit na camera.
Ayon sa MILF, naispatan nila ang naturang mini helicopter na lumilipad sa kasagsagan ng bakbakan sa pagitan ng mga MILF at ng tropa ng sundalo sa bayan ng Guindulungan kaya kanila itong pinuntirya ng pamamaril hanggang sa tuluyang mapabagsak.
Isa umanong kilalang opisyal ng militar ang nagtatangka pang tumubos sa nasabing spy chopper sa halagang P400,000 pero kanila itong tinang gihan.
Bilang reaksyon mariin namang pinabulaanan ni Army’s 6th Infantry Division (ID) spokesman Lt. Col. Jonathan Ponce na pag-aari ng AFP ang sina sabing spy plane na napabagsak ng MILF sa nasabing lugar.
Ayon kay Ponce, wala silang anumang uri ng spy plane o unmanned aerial vehicles na ginagamit upang tugisin ang puwersa ng MILF.
Idinagdag pa ng opisyal, hindi na nila kailangan pa ang mga spy plane upang hanapin ang mga kinaro roonan ng mga lawless MILF group dahil mismong ang mga residente na sawa na sa panggugulo ng mga ito ang siyang nagbibigay ng impormasyon kung saan ang mga ito nagsisipagtago. (Joy Cantos)