10 bilanggo binigyan ng pardon ni GMA
MANILA, Philippines - Sampung bilanggo ang binigyan ni Pangulong Arroyo ng executive clemency.
SIla’y sina Harvey Ancheta, Wilson Batoon, Danilo Diaz, Neri Genilo, Flor Gutierrez, Eduardo Herbias, Eddie Luto, Pablo Maniebo, Mario Padayao at Adoracion Romero.
Nilagdaan ni Pangulong Arroyo ang executive clemency ng nasabing mga bilanggo nitong June 17.
Samantala, itinalaga naman ni Mrs. Arroyo si Jaime Pacanan bilang undersecretary ng Department of Public Works and Highways habang itinalaga namang city prosecutor ng Marawi City si Lacasa Macabangon. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending