Hunyo 24, holiday sa Maynila

MANILA, Philippines – Idineklara ni Pa­ngu­long Arroyo bilang special non-working holiday sa lungsod ng Maynila ang June 24.

Sa ipinalabas na Proclamation 1799 ni Pa­ngu­long Arroyo, sinabi ni Executive Secretary Edu­ardo Ermita na ang June 24 ay ang 438th foundation anniversary ng Maynila.

Nakasaad pa sa proclamation order ng Pa­ngulo na karapat-dapat lamang ideklarang holiday ito sa Maynila upang ipagdiwang ng Manilenyo ang araw ng kanilang pagkakatatag.

Mangangahulugan na walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno, pribado at mga paaralan mula sa elementarya hanggang kolehiyo sa lungsod ng Maynila sa nasabing petsa. (Rudy Andal)


Show comments