Sundalo iniligtas ng dasal

MANILA, Philippines – Tila himala ang pagka­kaligtas ng isang 44-anyos na sundalo matapos na 23 tama ng bala ng baril ang tumama sa katawan nito nang tambangan ng Moro Islamic Liberation Front sa Brgy. Libertad, Tungawan, Zamboanga Sibugay no­ong Marso 19.

“Diyos ko, Diyos ko iligtas mo po ako, nais ko pang mabuhay,” ang pan­langin na nasambit ni Army Staff Sergeant Carlito Tanguis, 44, habang pina­uulanan ng bala. Siya ay kabilang sa 22 sundalo na binigyan ng financial assistance na nagkakahalaga ng P50,000 bawat isa mula sa Lingap Kawal Foundation sa pamumuno ni Chair­man Hermogenes Ebdane Jr. at ret. AFP Chief of Staff Gen. Her­mogenes Esperon Jr.

“Mabuti na rin lang at yung backpack na dala ko puno ng denim pants, do­kumento at GPS equipment kaya nakatulong rin ito para hindi tumama sa aking katawan ang 23 bala na pinawalan ng mga nang-ambush sa akin,“ lahad pa ni Tanguis sa panayam sa Fort Bonifacio Station Hospital.

Malaki ang paniniwala ni Tanguis na panalangin ang nagligtas sa kanya. Nakatakda naman na isa­ilalim si Tanguis sa pani­bagong operasyon upang alisin sa kaliwang hita ang bala na bumaon dito. Pinasalamatan din ng naturang sundalo ang LFK. (Joy Cantos)


Show comments