Roxas gumastos ng P140M sa ads!

MANILA, Philippines – Si Senador Mar Roxas ang may pinakamalaking ginastos sa tinatawag na advocacy advertisement sa taong ito, ayon sa survey firm na Nielsen sa mga 2010 presidentiables.

Sa survey ng Nielsen, lumalabas na mas marami ang advocacy ads ni Roxas at umabot sa P140 milyon ang ginastos nito sa television ad nito na “pad­ yak” kung saan naki­tang sakay siya ng isang side-car. Pumapangalawa lang aniya si Villar na gumasta naman ng P80M; pangatlo si Sen. Loren Legarda na gumastos ng P10M.

Una ng binatikos ng ilang grupo si Villar sa kanyang mga ads na nagpapakita ng pagtulong sa mga overseas Filipino workers.

Gayunman, sa kabila ng malaking ginastos ni Roxas ay nakakuha lang ito ng 9% kumpara kay Villar na may 22% at na­nguna sa survey. Naka­kuha din ito ng 29% sa survey kung sino ang pinaka­mahusay na lider na ma­aaring pumalit kay Pangu­long Gloria Arroyo.

Ayon sa isang political analyst, posibleng mas binibigyang halaga ng publiko ang advocacy ads ni Villar dahil higit itong ma­katotohanan sa pagtulong sa mga nangangailangan at nagbibigay inspirasyon sa mga nais magsikap sa buhay. (Butch Quejada)


Show comments