^

Bansa

2 pang paaralan nadale ng AH1N1

- Ludy Bermudo, Rudy Andal, Danilo Garcia -

MANILA, Philippines – Dalawa pang paaralan sa Metro Manila ang nag­suspinde ng kanilang mga klase matapos na dapuan ng Influenza AH1N1 ang kanilang mag-aaral, ayon sa ulat ng Department of Education.

Nabatid na isang mag-aaral ng Lourdes School of Mandaluyong sa Manda­luyong City ang tinamaan ng naturang virus at nagsuspinde na umpisa kahapon ng kanilang mga klase sa loob ng 10 araw.  Magbabalik naman ang klase nito sa Hunyo 29 habang nagpapagaling ang mag-aaral na dina­puan ng sakit.

Isa pang paaralan sa Quezon City, ang Dr. Ale­jandro Roces High School ang nagsuspinde rin ng klase matapos na tamaan ng virus ang isa nilang estudyante na nasa 4th year level.

Ito na ang ika-11 pa­aralan na dinapuan ng virus matapos na unang tamaan ang De La Salle University sa Taft Ave., Manila, Ateneo de Manila High School, FEU, St. Andrew’s School of Para­ñaque, Lagro Elementary School, Miriam College, University of the Philippines-Diliman, Our Lady of Perpetual Succor College at Hilera Elem. School sa Jaen, Nueva Ecija.

Samantala, kinum­pirma naman ni Department of Education (Dep­Ed) information officer Kenneth Tirade na lumikha na ang kagawaran at ang Department of Health ng mga bagong regulasyon para sa mga pampub­likong paaralan para mala­banan ang virus matapos ang sunud-sunod na pag­putok ng sakit sa iba’t ibang paaralan sa bansa na sanhi ng pagka­alarma ng mga magulang.

Hindi naman binanggit ni Tirade ang nilalaman ng naturang bagong regu­lasyon dahil sa kinukum­pleto pa umano ito ng da­lawang kagawaran bago ipalabas sa lalong ma­daling panahon.

Samantala, muling na­dagdagan ng panibagong 33 kumpirmadong kaso ang AH1N1 bunsod para umakyat na sa 344 ang kabuuang bilang ng mga kinapitan ng naturang virus­.

Sa pinakahuling ulat ng DOH, bagamat maayos na at napauwi na ang may 149 na kabilang sa kum­pirmadong kaso, may 33 na mild cases ang na­kumpirma kahapon.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, 24 sa bagong kaso ay lalaki habang 9 ang babae, na nagkakaedad ng 1 taon hanggang 52 at 2 ang dayuhan habang 31 ang Pinoy.

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng kaso, hindi naman umano dapat pa­ngam­bahan ito dahil wala ni isang naitalang nasawi sa nasabing virus.

Hindi na rin nadag­dagan ang bilang ng mga pasyente sa Jaen, Nueva Ecija at itinuturing ng DOH na kontrolado na ang sitwasyon doon.

DE LA SALLE UNIVERSITY

DEPARTMENT OF EDUCATION

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ALE

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

HILERA ELEM

JAEN

KENNETH TIRADE

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with