^

Bansa

Kinapitan ng AH1N1, 311 na

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nagka­ka­ roon ng influenza AH1N1 virus sa bansa at sa loob lamang ng 24 oras ay umakyat na ito sa 311.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, umaabot sa 64 na bagong kaso ng virus ang kanilang naitala kahapon lamang, 40 ang babae at 24 ang lalake na ang mga edad ay nasa pagitan ng tatlo hanggang 62 taong gulang. Dalawa umano sa 64 na bagong kaso ay mga dayuhan.

Sa kabila naman nang mabilis na pagdami ng AH1N1 cases sa Pilipi­nas, sinabi ni Duque na wala pa ring balak ang DOH na irekomenda ang pagde­deklara ng “Public Health Emergency”.

Ipinaliwanag ni Duque na pawang mild lamang naman ang mga naitala nilang AH1N1 cases at marami na sa mga pas­yente ang mabilis na naka­karekober mula sa virus.

Nilinaw rin ni Duque na ang deklarasyon ng state of calamity sa Jaen, Nueva Ecija kamakailan ay desis­yon ng lokal na pamaha­laan doon at hindi rekomen­dasyon ng DOH.

Samantala, personal na binisita rin kahapon ni Du­que ang Jaen, ang unang lugar sa bansa na nagka­roon ng community outbreak ng AH1N1 virus, at nakipagpulong sa mga lokal na opisyal roon.

Aniya, sa buong Region 3, umaabot na sa 35 ang kaso ng AH1N1 virus. Sampu dito ay naitala sa Bulacan, 23 sa Nueva Ecija at dalawa sa Pam­panga.

Tiniyak naman ni Du­que na libre ang lahat ng ser­ bis­yo at gamot sa mga paga­mutan para sa mga pasyen­teng may­roong AH1N1 virus, base na rin aniya sa di­rektiba ni Pa­ngulong Arroyo.

Ani Duque lahat ng gas­tusin sa mga government hos­­pitals ay sasa­gutin ng gobyerno.

AH1N1

ANI DUQUE

ANIYA

DUQUE

HEALTH SECRETARY FRANCISCO DUQUE

JAEN

NUEVA ECIJA

PUBLIC HEALTH EMERGENCY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with