MANILA, Philippines – Tuluyan nang nilinis ng Commission on Election (Comelec) ang listahan ng mga botante sa buong bansa bilang bahagi ng paghahanda sa May 2010 elections.
Ayon sa Comelec, umaabot sa 6 milyong botante sa buong bansa ang kanilang inalis sa listahan na hindi na aktibo pa sa pagboto.
Kabilang sa mga inalis sa listahan ay ang mga botanteng namatay na, may double registration, mga nawalan ng Filipino citizenship at hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na eleksyon.
Nangangahulugang ang hindi bumoto sa May 2007 national election at October 2007 barangay election ay wala sa listahan ng voter’s list ng Comelec. (Doris Franche)