Unemployment bumaba
MANILA, Philippines – Bumaba ang unemployment level sa bansa nitong nakalipas na buwan ng Abril na may 7.5 percent.
Ayon sa National Statistics Office (NSO), mas mababa ang naturang bilang kung ikukumpara nitong Enero ng taong ito na umaabot sa 7.7 percent.
Ayon sa NSO, ang mga walang trabaho ay mula edad 15 at 24 anyos na pawang nakapagtapos lamang ng high school. Umaabot naman sa 32.5% ang mga taong may trabaho sa bansa nitong Abril.
Ang National Capital Region ang nakapagtala ng pinaka mababang employment rate, 86.5% habang ang pinaka mataas na unemployment rate ay 13.5%. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending