Disiplina sa LTO executive hiling ng media group
MANILA, Philippines - Hiniling ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag kay Land Transportation Office Chief Arturo Lomibao na disiplinahin si Ditas Gutierez, hepe ng Registration Division at tagapagsalita ng LTO dahil sa umano’y pakikialam nito sa karapatan ng mga taga-media na nagkokober ng naturang ahensiya.
Sinabi ni AFIMA President Jerry Yap na baka hindi alam ni Gutierez na ang pakikialam sa trabaho sa media ay paghadlang sa kanilang karapatan na kumalap ng mga balita.
Nilabag umano ni Gutierez ang press freedom ng LTO Tri-Media nang magdeklara siya ng isang hiwalay na halalan para sa ibang mga taga-media at sinabi nitong dapat walang media sa LTO at walang pakialam ang tri-media sa anumang hakbang na nais gawin ng LTO hinggil dito. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending