Low pressure naispatan
MANILA, Philippines - Isang low pressure area ang naispatan sa bahagi ng Visayas na magiging sanhi ng madalas na pag-ulan sa Kanlurang bahagi naman ng rehiyon ng Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ang LPA ay makikita sa layong 400 kilometers sa Silangang bahagi ng Visayas ganap na alas-2 ng madaling araw kahapon at tinatahak ang kahabaan ng inter-tropical convergence zone, ayon pa sa PAGASA.
Kasama rin sa maapektuhan ng low pressure area ang Luzon. Habang ang buong bansa ay makakaranas ng madalas na maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat na magiging madalas ang mga pag-ulan sa mga Kanlurang bahagi ng Kabisayaan at Mindanao.
Ang agwat ng temperatura ay mula 24 hanggang 32 antas ng celsius. Ang araw ay sisikat ganap na alas-5:27 ng umaga at lulubog dakong 6:26 ng hapon.
- Latest
- Trending