PNP nakaalerto sa opening ng klase ngayon

MANILA, Philippines - Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pormal na pagbubukas ng klase sa mga kolehiyo ngayon matapos itong ipagpaliban noong naka­raang linggo dahil sa AH1N1 virus.

Ayon kay PNP chief Director General Jesus Ver­zosa, inalerto na niya ang la­hat ng kapulisan sa buong bansa para masi­guro ang seguridad ng lahat ng es­tudyante sa pagsisimula ng kanilang klase.

Kasabay nito, mahigpit na ipinag-utos ni Verzosa ang pagpapatupad ng police visibility sa mga bisini­dad ng mga paaralan kung saan inaasahang may 3 milyong estudyante ang dadagsa sa iba’t-ibang paaralan.

Makikipag-ugnayan din ang mga pulis sa mga opisyal ng paaralan para maprotektahan ang bawat estudyante sa anumang banta ng karahasan.

Nananatiling nasa heightened alert level ang buong pulisya sa National Capital Region bago pa man ang pasukan sa ele­mentarya at high school na mag-uumpisa sana noong June 1. (Ricky Tulipat)

Show comments