Outbreak ng AH1N1 sa

MANILA, Philippines - Nagdeklara na ng community level outbreak ang  Department of Health (DOH) sa Ba­rangay Hilera sa Jaen, Nueva Ecija matapos makitaan din ng sinto­mas ng AH1N1 ang 92 katao na nakasala­muha ng 11 bata na nauna nang nagpositibo sa virus.

Ayon kay Dr. Rio Magpantay, DOH Central Luzon director, inaruba­han ni Health Sec. Francisco Duque III ang re­komendasyon na mag­dek­lara ng outbreak ma­tapos ang 2 linggong surveillance sa Hilera.

Una nang sinabi ni Nueva Ecija Provincial Health Officer Dr. Benjamin Lopez, wala sa mga nag-positibong ele­mentary students ang may history of travel sa mga bansang affected ng virus.

Gayunman, isa uma­no sa nakikita nilang da­hilan ay ang idinaos na medical mission sa ba­yan ng Jaen kama­kailan kung saan pinangunahan ito ng mga dayuhang duk­tor. Aniya, lahat uma­no ng mga ba­tang nag­kasakit ay pa­wang nag­tungo sa nasa­bing medical mission.

Dahil sa hindi matu­koy na origin o pinag­mulan ng virus na tu­ma­ma sa mga estud­yante, hirap din ang DOH na kontrolin ang posi­bleng pagkalat pa nito.

Nagsasagawa na rin ng house-to-house visit ang mga health workers sa Nueva Ecija at nami­migay ng Vitamin C at thermometers.

Show comments