Outbreak ng AH1N1 sa
MANILA, Philippines - Nagdeklara na ng community level outbreak ang Department of Health (DOH) sa Barangay Hilera sa Jaen, Nueva Ecija matapos makitaan din ng sintomas ng AH1N1 ang 92 katao na nakasalamuha ng 11 bata na nauna nang nagpositibo sa virus.
Ayon kay Dr. Rio Magpantay, DOH Central Luzon director, inarubahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang rekomendasyon na magdeklara ng outbreak matapos ang 2 linggong surveillance sa Hilera.
Una nang sinabi ni Nueva Ecija Provincial Health Officer Dr. Benjamin Lopez, wala sa mga nag-positibong elementary students ang may history of travel sa mga bansang affected ng virus.
Gayunman, isa umano sa nakikita nilang dahilan ay ang idinaos na medical mission sa bayan ng Jaen kamakailan kung saan pinangunahan ito ng mga dayuhang duktor. Aniya, lahat umano ng mga batang nagkasakit ay pawang nagtungo sa nasabing medical mission.
Dahil sa hindi matukoy na origin o pinagmulan ng virus na tumama sa mga estudyante, hirap din ang DOH na kontrolin ang posibleng pagkalat pa nito.
Nagsasagawa na rin ng house-to-house visit ang mga health workers sa Nueva Ecija at namimigay ng Vitamin C at thermometers.
- Latest
- Trending