Belmonte nanguna sa Que­zon City

MANILA, Philippines - Pinangunahan ni Que­zon City Mayor Feliciano “SB” Belmonte ang pagdi­riwang ng ika-111 taong ani­bersaryo ng kalayaan ng Pi­lipinas sa QC hall grounds kasama si Vice Mayor Herbert Bautista, iba pang mga opisyal at empleado rito kahapon.

Ang okasyon na may temang “Kagitingan, Kaga­lingan, Kasipagan Tungo sa Tunay na Kalayaan” ay nagsimula sa flag raising ce­remony kung saan tampo dito ang naging kontribus­yon ng lunsod sa socio-economic efforts ng bansa.

Sa kanyang panig, mu­ling pinahalagahan ni Bel­monte ang pangangaila­ngan ng pakikiisa ng ma­mamayan sa hangaring magkaroon ng pamban­sang pagkakaisa at pagpa­pahusay ng estado ng pa­mumuhay ng taumbayan. (Angie dela Cruz)

Show comments