Koronadal City, Philippines – Nagkaroon ng tensyon sa mga ralista at pulisya habang nagtatalumpati kahapon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagdiriwang ng ika-111 anibersaryo ng kalayaan sa Rizal Park ng lunsod na ito.
Tinangka ng may 100 ralista na mula sa progresibong grupo na makalapit sa pinagdarausan ng pagdiriwang habang nagtatalumpati ang Pangulo subalit pinigilan sila ng dispersal team ng Philippine National Police.
Hinarang ang mga ralista ng PNP sa may Alunan Avenue hanggang sa magkaroon ng sagupaan sa pagitan ng grupo at mga awtoridad.
Napilitan ang mga pulis na puwersahang buwagin ang grupo upang hindi makalapit sa pinagdarausan ng programa hanggang sa magkagulo at masaktan ang ilang ralista. (Rudy Andal)