7 killer ni Ruby nasa Bureau of Immigration watchlist

MANILA, Philippines - Inutos kahapon ni Immigration Commissioner Mar­ celino Libanan na ila­gay sa watchlist ang pi­tong suspek sa brutal na pagpatay sa kapatid ni dating beauty queen at actress Rochel Barra­meda na si Ruby Rose Barrameda-Jimenez.

Ang direktiba ni Liba­nan ay kasunod sa pag­sasam­pa ng kasong murder sa Department of Justice laban sa mga suspek na sina Manuel Jimenez Jr., biyenan ng biktima; Lope Jimenez (kapatid ni Manuel Jr.; Eric Fernan­dez, Spike Discalzo, Robert Ponce alias Abet, Rudy Dela Cruz at Ma­nuel Montero.

Ayon kay Libanan, inalerto na niya lahat ang kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport, iba pang paliparan at sub ports sa buong bansa upang imo­nitor ang tangkang pag­labas ng mga suspek.

Ang pagpatay kay Ruby Rose ay nabunyag mata­pos na lumutang ang isa sa mga suspect na si Manuel Montero at isiniwalat sa pulisya ang ginawang krimen saka itinuro ang mga kasa­mahan.

Sa pamamagitan ng salaysay ni Montero, na­tagpuan noong Miyer­kules ang katawan ni Ruby Rose na nakasilid sa drum na ipinasok sa isang steel case saka sinemento at itinapon sa baybayin ng Navotas matapos ang da­lawang taong pagkawala nito.

Una nang nagtungo noong Marso 14, 2007 sa punong himpilan ng Philippine National Police sa Camp Crame si Barra­me­da upang ireport ang pag­kawala ng kanyang kapa­tid.   

Sa isinagawang aw­ top­siya sa katawan ni Barra­meda-Jimenez, lumalabas na namatay ito sanhi ng asphyxia o pag­kakasakal.

Positibo namang kini­lala si Barrameda-Jime­nez ng kanyang mga kaanak sa pamamagitan ng kanyang ngipin o dental records.

Ayon kay Montero, pi­ naslang nila si Barra­meda-Jimenez sa loob ng Buena Suerte Jimenez Fishing and Trading Company na pag-aari ni Lope Jimenez matapos dukutin ang bik­tima. (Ellen Fernando)

Show comments