7 killer ni Ruby nasa Bureau of Immigration watchlist
MANILA, Philippines - Inutos kahapon ni Immigration Commissioner Mar celino Libanan na ilagay sa watchlist ang pitong suspek sa brutal na pagpatay sa kapatid ni dating beauty queen at actress Rochel Barrameda na si Ruby Rose Barrameda-Jimenez.
Ang direktiba ni Libanan ay kasunod sa pagsasampa ng kasong murder sa Department of Justice laban sa mga suspek na sina Manuel Jimenez Jr., biyenan ng biktima; Lope Jimenez (kapatid ni Manuel Jr.; Eric Fernandez, Spike Discalzo, Robert Ponce alias Abet, Rudy Dela Cruz at Manuel Montero.
Ayon kay Libanan, inalerto na niya lahat ang kanyang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport, iba pang paliparan at sub ports sa buong bansa upang imonitor ang tangkang paglabas ng mga suspek.
Ang pagpatay kay Ruby Rose ay nabunyag matapos na lumutang ang isa sa mga suspect na si Manuel Montero at isiniwalat sa pulisya ang ginawang krimen saka itinuro ang mga kasamahan.
Sa pamamagitan ng salaysay ni Montero, natagpuan noong Miyerkules ang katawan ni Ruby Rose na nakasilid sa drum na ipinasok sa isang steel case saka sinemento at itinapon sa baybayin ng Navotas matapos ang dalawang taong pagkawala nito.
Una nang nagtungo noong Marso 14, 2007 sa punong himpilan ng Philippine National Police sa Camp Crame si Barrameda upang ireport ang pagkawala ng kanyang kapatid.
Sa isinagawang aw topsiya sa katawan ni Barrameda-Jimenez, lumalabas na namatay ito sanhi ng asphyxia o pagkakasakal.
Positibo namang kinilala si Barrameda-Jimenez ng kanyang mga kaanak sa pamamagitan ng kanyang ngipin o dental records.
Ayon kay Montero, pi naslang nila si Barrameda-Jimenez sa loob ng Buena Suerte Jimenez Fishing and Trading Company na pag-aari ni Lope Jimenez matapos dukutin ang biktima. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending