Perjury ni Lozada ibinasura

MANILA, Philippines – Dinismis na kaha-pon ng Manila Regional Trial Court ang kasong perjury na isinampa ni dating Presidential Chief of Staff Michael Defensor laban kay NBN- ZTE star witness Rodol-fo Noel “Jun” Lozada, Jr.

Ginawa ni MTRC Judge Jorge Emmanuel Lorredo ang hakbang kasunod ng pormal na pagbawi ni Defensor   sa kanyang demanda.

Ikinatuwa naman ni Lozada ang pag-dismiss sa kaso ngunit si­nabing inaasahan ni­yang ipagpapatuloy pa rin ng administrasyon ang panggigipit sa kan­ya sa ibang pama­ma­raan.

Una nang sinabi ni Defensor na nawalan na siya ng interes na ituloy ang kaso dahil nararamdaman niyang hindi siya makakaku- ha ng hustisya sa sala ni Lorredo.

Aniya, ang kanyang kaso ay na-“prejudged” na bilang isang “harassment suit” dahil sa kan­yang pagiging malapit kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa pamilya nito.

“Kapag itinuloy ko, mali ako. Kung iatras ko, mali ako,” pahayag pa ni Defensor sa mga mamamahayag mata­pos ang pagsusumite nito ng affidavit of desistance. (Doris Franche)


Show comments