Perjury ni Lozada ibinasura
MANILA, Philippines – Dinismis na kaha-pon ng Manila Regional Trial Court ang kasong perjury na isinampa ni dating Presidential Chief of Staff Michael Defensor laban kay NBN- ZTE star witness Rodol-fo Noel “Jun” Lozada, Jr.
Ginawa ni MTRC Judge Jorge Emmanuel Lorredo ang hakbang kasunod ng pormal na pagbawi ni Defensor sa kanyang demanda.
Ikinatuwa naman ni Lozada ang pag-dismiss sa kaso ngunit sinabing inaasahan niyang ipagpapatuloy pa rin ng administrasyon ang panggigipit sa kanya sa ibang pamamaraan.
Una nang sinabi ni Defensor na nawalan na siya ng interes na ituloy ang kaso dahil nararamdaman niyang hindi siya makakaku- ha ng hustisya sa sala ni Lorredo.
Aniya, ang kanyang kaso ay na-“prejudged” na bilang isang “harassment suit” dahil sa kanyang pagiging malapit kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at sa pamilya nito.
“Kapag itinuloy ko, mali ako. Kung iatras ko, mali ako,” pahayag pa ni Defensor sa mga mamamahayag matapos ang pagsusumite nito ng affidavit of desistance. (Doris Franche)
- Latest
- Trending