^

Bansa

Sentensyadong Pinay DH binigyan ng pardon

-

MANILA, Philippines – Inaasahang maka­lalaya at makakauwi na sa Pilipinas ang isang domestic helper na Pi­lipina na naunang hi­natulang mabitay sa Kuwait dahil sa kasong pagpatay matapos na pagkalooban ito ng par­­don ng emir ng natu­rang bansa.

Batay sa ulat ni Department of Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affairs Esteban Cone­jos Jr., inihahanda na ng Philippine Embassy sa Kuwait ang mga kauku­lang dokumento para makauwi ang na­turang Pilipina na si May Vecina.

Si Vecina ay hina­tulang mabitay ng Kuwaiti courts dahil sa pagpatay kay Salem Sulaiman Al-Otaib, ang pitong taong gulang na anak na lalaki ng kanyang amo, at tang­kang pagpatay sa mga kapatid ng biktima na sina Abdulla, 13, na gi­ni­litan umano ng leeg at ni Hajer, 17, na si­nak­ sak naman umano nito noong Enero 6, 2007.

Ikinatwiran ni Ve­ci­na na nagawa lamang niya ang krimen ma­ta­pos na dumanas uma­no siya ng physical at mental abuse mula sa kamay ng kanyang mga employer na na­ging sanhi upang ma­wala siya sa kanyang tamang pag-iisip.

Pero, dahil sa apela ng pamahalaang Pili­pino, ibinaba ng emir ang hatol kay Vecina at ginawang habam­bu­hay na pagkabilanggo.  

Gayunman, sinabi ni Vice President Noli de Castro sa isang pa­ha­yag kahapon na pinag­kalooban na ng Emir na si Sabah al-Ahmad al-Jaber al-Sabah ng full pardon si Vecina. (Mer Layson)

AFFAIRS ESTEBAN CONE

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS UNDERSECRETARY

MAY VECINA

MER LAYSON

MIGRANT WORKERS

PHILIPPINE EMBASSY

SABAH

SALEM SULAIMAN AL-OTAIB

SHY

SI VECINA

VECINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with