AH1N1 case umakyat sa 92

MANILA, Philippines – Umabot na ngayon sa 92 ang bilang ng kaso ng mga hinina-lang nagkasakit ng in-fluenza AH1N1 flu virus sa bansa makaraang 15 pang dagdag na pas­­yente ang naitala ka­hapon ng Department of Health.

Sa mga bagong ka-so, isang pasyente ang nagmula sa Helera    Ele­mentary School sa Jaen, Nueva Ecija na nagsuspinde ng klase simula kahapon.

Sinabi ni DOH Secretary Francisco Du-que na, sa 15 bagong kaso, 10 ang lalaki at lima ang babae na ang edad ay nasa pagitan ng siyam at 50 taong gulang.

Lahat aniya ay pa­wang mga Filipino at apat ay pawang nag-   si­pagbiyahe sa Japan, Singapore, Mexico at United States. Sa nga­yon, nagsasagawa na aniya ng contact tra-cing ang DOH sa mga naka­salamuha ng 15 bagong pasyente.

Gayunman, sa 92 kabuuang kaso, 32 na­mang pasyente ang gumaling.

Nagbabala rin ang DOH na babawian nito ng lisensya ang mga ospital na tatangging tumanggap ng pas­yenteng hinihinalang nahawahan ng AH1N1 virus.

Bukod pa rito, maari umanong makasuhan at maputulan ng Phil­health Payments ang mga nasabing paga­mutan. 


Show comments