AH1N1 case umakyat sa 92
MANILA, Philippines – Umabot na ngayon sa 92 ang bilang ng kaso ng mga hinina-lang nagkasakit ng in-fluenza AH1N1 flu virus sa bansa makaraang 15 pang dagdag na pasyente ang naitala kahapon ng Department of Health.
Sa mga bagong ka-so, isang pasyente ang nagmula sa Helera Elementary School sa Jaen, Nueva Ecija na nagsuspinde ng klase simula kahapon.
Sinabi ni DOH Secretary Francisco Du-que na, sa 15 bagong kaso, 10 ang lalaki at lima ang babae na ang edad ay nasa pagitan ng siyam at 50 taong gulang.
Lahat aniya ay pawang mga Filipino at apat ay pawang nag- sipagbiyahe sa Japan, Singapore, Mexico at United States. Sa ngayon, nagsasagawa na aniya ng contact tra-cing ang DOH sa mga nakasalamuha ng 15 bagong pasyente.
Gayunman, sa 92 kabuuang kaso, 32 namang pasyente ang gumaling.
Nagbabala rin ang DOH na babawian nito ng lisensya ang mga ospital na tatangging tumanggap ng pasyenteng hinihinalang nahawahan ng AH1N1 virus.
Bukod pa rito, maari umanong makasuhan at maputulan ng Philhealth Payments ang mga nasabing pagamutan.
- Latest
- Trending