^

Bansa

Lacson 'nakipag-ayos' na kay GMA?

- Tony Calvento -

MANILA, Philippines - Nakipag-areglo ba si Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Gloria Ma­ capagal-Arroyo?

Lumilitaw ang katanu­ngang ito dahil sa mga ka­ganapan sa nagdaang mga araw mula nang makabalik sa Pilipinas si dating Police Senior Supt. Cesar Mancao para tumestigo sa kasong pagpaslang sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nitong si Emma­nuel Corbito.

Naunang isinangkot ni Mancao sa kaso si Lacson na dati niyang hepe sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force at hepe ng Philippine National Police nang mapaslang sina Dacer.

Nang dumating sa ban­sa si Mancao noong Hunyo 4, nilagdaan ng Pangulo ang isang kautusan na nag­tatalaga kay Department of Justice Secretary Raul Gonzalez bilang Chief Pre­sidential Legal Counsel. Ipinalit kay Gonzalez bilang bagong kalihim ng DOJ si Solicitor General Agnes Devanadera.

Lalong nagduda ang ilang tagamasid nang iha­yag kamakailan ni Lacson na hindi na siya kakandida­tong presidente sa halalan sa 2010.

Ikinakatwiran ni Lacson sa pag-urong niya sa kan­yang kandidatura ang ka­kapusan sa pera pero tina­asan lang ito ng kilay ng maraming pulitiko at political analysts.

Isang impormante ang nagsabi sa manunulat na ito na isang tao na malapit sa maybahay ng isang mataas na miyembro ng Gabinete ang nag-ayos ng isang pulong ng naturang opisyal at ni Lacson.

Meron umanong nabu­ong kasunduan at ito ang hi­ nihinalang dahilan kaya uma­tras si Lacson sa elek­syon.

Naunang sinasabi ni Gonzalez na umaasa siyang papayagan siya na ipursige ang Dacer-Corbito case. “Mapapahiya ako at ma­sisira ang kredibilidad ko sa dalawang testigo mata­pos kong tiyakin sa kanila na tutulungan ko silang mag­salita sa nalalaman nila sa pamamaslang at titiyakin ko na mananaig ang kata­rungan,” sabi niya sa isang panayam.

Kung hindi anya siya papayagan, aalis na lang siya at aasikasuhin ang kanyang may sakit na anak at ang mga kababayan niya sa Iloilo.

Kasunod nito, nang du­mating si Mancao, idine­re­tso agad siya sa tanggapan ng National Bureau of Investigation at hindi pinaha­rap sa media sa kadahi­lanang ikinakuwarantina ang dating pulis. Ayaw ipa­liwanag ni Gonzalez kung bakit hindi nasunod ang kasunduan nila ni Mancao na magdaraos ng pulong-balitaan pagdating nito sa Maynila.

Pero, ayon sa impor­mante, talagang layunin dito na palamigin ang usa­pin sa Dacer case sa pama­magitan ng paglayo kay Mancao sa media.

Bukod dito, napaulat na atubili si Devanadera na tanggapin ang puwesto bilang kalihim ng DOJ dahil mas gusto niyang maging mahistrado ng Korte Su­prema.

Mukha ring minadali ang pagtatalaga kay Gon­zalez bilang chief presidential legal counsel dahil wala pa siyang opisina sa Mala­cañang nang naghahanda na siyang lumipat dito.

CESAR MANCAO

CHIEF PRE

DACER

DEPARTMENT OF JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

GONZALEZ

KORTE SU

LACSON

LEGAL COUNSEL

MANCAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with