Gibo inindorso

DAPITAN CITY, Philippines – Nagpahayag ng pagsuporta si Zamboanga Del Norte Governor Rolando Yebes sa napipintong pagtakbo bilang pangulo ni Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro na ayon sa kanya ay siyang pinakamalakas sa mga “presidentiables” na nag­­hahangad ng endorso ng administration party.

Ginawa ni Yebes ang pahayag matapos ang closing ceremonies ng taunang Hudyaka Festival at ng 57th Founding anniversary ng lalawigan dito noong Linggo.

Ang pananaw ni Yebes ay kahalintulad ng pag­tingin ng mga local party leaders sa lalawigan na na­nalig sa malakas na tsansa ni Teodoro na ma­sungkit ang nominasyon ng ruling coalition.

Si Yebes ang nadagdag sa humahabang listahan ng mga local leaders sa Mindanao na hayagang nag­tutulak sa kandidatura ni Teodoro. (Butch Quejada)


Show comments