MANILA, Philippines – Pinag-aaralan sa ka salukuyan ng Senado ang pagsasampa ng perjury laban sa cosmetic surgeon na si Dr. Hayden Kho kaugnay ng sex video scandal nito.
Ito ang inihayag kahapon ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na pumunang maraming kasinungalingan sa mga sinabi ni Kho sa isang pagdinig sa Senado kamakailan. Ihinalimbawa ni Revilla ang huling panayam sa kaibigan ni Kho na si Eric Chua na nagbunyag na ipinakita ng kontrobersyal na duktor sa mga “kapatid” nito sa fraternity ang sex video na, rito katalik nito ang iba’t ibang babae tulad ng aktres na si Katrina Halili.
“Kasi ang dami niyang mga kasinungalingan ngayong nagsalita si Chua. Pasok siya sa perjury case,” sabi ni Revilla. “Nagsinungaling siya sa Senado, alam naman pala ng mga kasama niya, sumumpa pa siya na walang nakakita ng video. Iyong satement ni Eric Chua ay ipinapakita sa kanila ni Hayden ang video, may report pang ipinapakita sa mga ka-brod sa fraternity,” dagdag ni Revilla.
Samantala, hinihingi ng National Bureau of Investigation sa GMA-7 ang kopya ng video footage na naglalaman ng mga interviews sa iba’t ibang personalidad ng dalawang talk shows na mag-eestablisa ng kalagayan ng relasyon nina Kho at Vicki Belo bago at matapos ang pagputok at pagkalat ng kontrobersiyal na sex videos.
Kabilang sa nais mapasakamay ng NBI ang footages ng “Showbiz Central” at “Startalk.” (Malou Escudero at Ludy Bermudo)