MANILA, Philippines – Nagbabala muli si Senador Rodolfo Biazon sa posibilidad na makisali ang mga militar sa kilos protesta laban sa constituent assembly na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa pag-am yenda ng Saligang Batas.
Iginiit pa ni Biazon na nararamdaman niya ang iba’t-ibang emotional involvement ng mga sundalo.
Una nang sinabi ni Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na gagamit si Gng. Arroyo ng mga tao upang hindi maalis sa posisyon o power.
Si Pimentel ang nagbunyag na ang Class 78 ng PMA ay ipinupuwesto umano sa mga ‘juicy posts’ ng military.
Nagpahayag naman ng paniniwala si Caloocan Bishop Deogracias Yniguez na ang kagustuhan ng mamamayan ang dapat manaig at hindi dapat ‘magpagamit ‘ang mga miyembro ng Class 78.
Pinuna pa ni Biazon na ang pagpasa sa House Resolution No. 1109 ay magdudulot sa pagkawala ng tiwala ng taumbayan sa mga institusyon ng gobyerno dahil isinagawa ito nang taliwas sa konsepto ng ‘bicameralism’ sa isang demokratikong bansa. (Malou Escudero)