^

Bansa

Biazon nagbabala sa militar vs constituent assembly

-

MANILA, Philippines – Nagbabala muli si Senador Rodolfo Biazon sa posibilidad na makisali ang mga militar sa kilos protesta laban sa constituent assembly na ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa pag-am­ yenda ng Saligang Batas.

Iginiit pa ni Biazon na nararamdaman niya ang iba’t-ibang emotional involvement ng mga sundalo.

Una nang sinabi ni Senador Aquilino “Nene” Pimentel Jr. na gagamit si Gng. Arroyo ng mga tao upang hindi maalis sa posisyon o power.

Si Pimentel ang nagbunyag na ang Class 78 ng PMA ay ipinupuwesto umano sa mga ‘juicy posts’ ng military.

Nagpahayag naman ng paniniwala si Caloocan Bishop Deogracias Yniguez na ang kagustuhan ng mamamayan ang dapat manaig at hindi dapat ‘mag­pagamit ‘ang mga miyembro ng Class 78.

Pinuna pa ni Biazon na ang pagpasa sa House Re­solution No. 1109 ay magdudulot sa pagkawala ng ti­wala ng taumbayan sa mga institusyon ng gobyerno dahil isinagawa ito nang taliwas sa konsepto ng ‘bicameralism’ sa isang demokratikong bansa. (Malou Escudero)

vuukle comment

BIAZON

CALOOCAN BISHOP DEOGRACIAS YNIGUEZ

HOUSE RE

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

PIMENTEL JR.

SALIGANG BATAS

SENADOR AQUILINO

SENADOR RODOLFO BIAZON

SI PIMENTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with