MANILA, Philippines – Tatanggalin sa tungkulin ang mga aktibong opisyal at miyembro ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police na lalahok sa rally laban sa Charter Change o Cha-Cha na inaasahang ilulunsad bukas.
Ito ang mahigpit na babala kahapon nina PNP Spokesman Senior Superintendent Leonardo Espina at AFP-Public Information Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr.
Ayon kay Espina, sinumang pulis na mamonitor at mapatunayang lumahok sa kilos protesta ay kakastiguhin at tatanggalin sa serbisyo.
Sinabi naman ni Brawner na, bagaman kumpiyansa ang AFP na walang sundalo na lalahok sa kilos-protesta, bawal sa mga aktibong miyembro ng militar ang pagsama sa mga demonstrasyon.
Pinabulaanan din ni Brawner ang napaulat na planong “Save the Queen” laban sa pamahalaan. (Joy Cantos)