Pagpapalawig sa termino ni PGMA planado

MANILA, Philippines – Planado na umano ang hakbangin ni Pangulong Arroyo para mapalawig pa ang termino nito sa 2010 na isasakatuparan katuwang ang mga mambabatas.

Ito ang nakasaad sa kumakalat na text messages mula umano sa isang Philippine Military Academy (PMA) Class 1976 matapos maipasa sa Kamara ang Con-Ass.

Bahagi rin ng kumaka­ lat na mensahe ang tungkol umano sa pagbaba sa pu­westo ng maaga ni PNP Chief Jesus Verzosa at pag­halili rito ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt. Roberto Rosa­les ng PMA Class 1978.

Ayon naman kay PNP Spokesman Chief Supt. Leonardo Espina, tiniyak nito na isang ‘apolitical’ na institusyon ang PNP at hindi ang mga ito makiki­sawsaw sa usapin ng pu­litika.

Malabo umanong hu­mantong sa panibagong People Power o rebolusyon ng taumbayan laban sa gobyerno ang hakbanging amyendahan ang Saligang Batas.

Sa panig naman ng AFP, ayon kay AFP-Civil Relations Service Chief Brig Gen. Gaudencio Pa­ngi­linan, wala silang namo­monitor na mga sundalong lalahok sa anumang kilos protesta tulad ng mga haka-haka.

Ayon kay Pangilinan, propesyunal ang mga sun­dalo at tumatalima ang mga ito sa itinatadhana ng Sa­ligang Batas kung saan sinumang nagnanais maki­lahok sa pulitika ay kaila­ngang lisanin muna ang serbisyo.

Minaliit rin ni Pangilinan ang planong paglulunsad ng malawakang kilos protesta ng anti-government groups at sinabing hindi ito pag-uugatan ng panibagong People Power tulad noong EDSA 1 dahil naiiba na ang sitwasyon ngayon kumpara ng mga nagdaang panahon na naitala sa kasaysayan.

Magugunita na noong Pebrero 1986 ay napatalsik sa kapangyarihan ang diktaturyang rehimen ng yumaong si dating Pangu­long Ferdinand Marcos sa makasaysayang People Power Revolution. (Joy Cantos)


Show comments