^

Bansa

Itinuturong nag-upload ng Hayden-Katrina sex video sa Internet lumutang sa NBI

-

MANILA, Philippines – Lumutang na rin ka­hapon sa National Bureau of Investigation (NBI) ang itinuturong nag-upload sa internet umano ng Hay­den-Katrina sex video para pabulaanan ang nasabing akusasyon.

Dakong alas 3:30 ng hapon nang sumipot sa NBI-Anti Fraud and Computer Crimes Division si Engr. Eric Johnston Chua, kaibigan ni Kho, para maghain ng kany­ang counter-affidavit kaugnay sa kinasa­sangkutang kontro­bersiya.

Gayunman, aminado umano si Chua na siya ang kumuha ng hard drive ni Kho, ngunit mariin nitong itinanggi na siya ang nasa likod nang pag-upload ng mga sex video.

Iginiit niya na wala siyang ideya sa kung sino ang nasa likod ng pag-upload ng nasabing sex video at tumanggi din na magbigay ng komento hinggil sa nilalaman ng kaniyang inihaing affi­davit.

Kabilang si Chua sa pinadalhan ng subpoena ng NBI noong nakalipas na buwan matapos mag­hain ng pormal na rek­lamo ang aktres na si Halili kaugnay sa pagka­lat ng sex video niya kay Kho.

Bukod kay Chua, ipinatawag din ng NBI sina Kho, ang nobya nitong si Dr. Vicki Belo at isa pang kaibigan ni Kho na si Dr. Mark Herbert “Bistek” Rosario. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ANTI FRAUD AND COMPUTER CRIMES DIVISION

BISTEK

CHUA

DR. MARK HERBERT

DR. VICKI BELO

ERIC JOHNSTON CHUA

KHO

LUDY BERMUDO

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with