^

Bansa

DepEd pumalpak uli sa suspensiyon ng klase

-

MANILA, Philippines – Tila palpak na naman ang Department of Education sa ginawang kan­ selas­yon ng klase sa elemen­tarya at high school dahil alanganing oras na ito inianunsyo kahapon kaya maraming estudyante na ang su­muong sa ulan sa baha.

Ipinakansela ni DepEd National Capital Region Director Teresita Doma­lanta ang klase sa mga pang­hapon at ilang eve­ning classes kapwa pri­bado at pampublikong paaralan dakong alas-9 na ng umaga.

Sa umiiral na kasun­duan ng DepEd, Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Adminstration (Pagasa) at National Disaster Coordinating Council (NDCC), ihahayag ang suspensyon ng klase bago mag-alas-10 ng gabi upang agad na maabi­suhan ang mga magu­lang. Isasagawa ito de­pende sa suhestiyon ng Pagasa at NDCC kung saan ang Malacañang mismo ang maghahayag.

Bunsod nito’y, mara­ming magulang ang nag­pahatid ng kanilang rek­lamo sa DepEd bunga ng alanganing oras ng sus­pensiyon ng klase kung saan ikinatuwiran ni Dep­Ed information officer, Kenneth Tirade na walang ibinigay na rekomendas­yon ang Pagasa kaya hindi sila nagpahayag ng anu­mang suspension ng klase, lalo pa at wala na­man bagyo kaya hindi nag­patupad ng automatic suspension sa mga klase.

Pinayuhan naman ni Domalanta ang mga ma­gu­­lang na huwag nang papasukin ang kanilang mga anak kung sa tingin nila ay malalagay sa panga­nib ang kalusugan ng mga ito. (Danilo Garcia)


BUNSOD

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF EDUCATION

DOMALANTA

KENNETH TIRADE

NATIONAL CAPITAL REGION DIRECTOR TERESITA DOMA

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

PAGASA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINSTRATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with