MANILA, Philippines - Tinatayang P2 milyong halaga ng ukay-ukay ang nasamsam ng mga tauhan ng President Anti-Smuggling Group sa isang apartment na ginawang bodega sa Fairview, Quezon City.
Ayon kay PASG Chief Antonio Villar Jr., ang sinalakay ng kanyang mga tauhan ay ang unit 47-C Regalado St. sa West Fairview na inuukupahan ni Imelda Calabrea.
Nakakuha ng impormasyon ang PASG na mayroong mga imported na ukay-ukay clothing ang itinatago sa nasabing apartment.
Nabigong magpakita naman ng mga kaukulang dokumento si Calabrea.
Pinuna ni Villar na mahigpit nang ipinagbabawal ang importasyon nito subalit nakakalusot pa rin dahil sa pakikipagsabwatan ng ilang Customs personnel. (Rudy Andal)