MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Department of Education ang lahat ng klase sa elementarya at high school sa Metro Manila kahapon araw dahil sa walang humpay na pagbuhos ng ulan.
Sinabi ni DepEd Secretary Jesli Lapus na iniutos niya ang suspension matapos na payuhan siya ng mga weather expert ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa pagsama ng panahon.
Ipinalabas ni Lapus ang suspensyon dakong alas-3:00 ng hapon.
Sinasabi sa datos ng PAGASA na, bagaman walang bagyo, matinding pagbabaha na sa maraming lugar sa Metro Manila ang naitatala dahil sa walang puknat ng ulan. Inaalala rin ng DepEd ang kalusugan ng mga bata dahil sa lamig ng panahon.
Inaasahang bandang alas-10:00 pa kagabi makakapagpalabas ng payo ang DePed kung sususpindihin din ang klase sa mga eskuwelahan ngayong Huwebes. (Danilo Garcia)